Paano kung tawagin siyang bagong “Bukol King”? ‘Yan ang tanong ko kay Derrick Monasterio sa presscon ng superhero comedy adventure na TsuperHero dahil sa costume niya na tila hindi maitago ang kanyang ‘ipinagmamalaki’.
“Bukol King? Game!” deretsahang sagot naman sa amin ng Kapuso actor.
“Sinabi mo ‘yan ha? Okey lang,” sabay tawa pa niya.
Na-conscious ba siya nang unang isinuot niya ito?
“Na-conscious naman, medyo.
“Una kasi, ‘yung sa crotch area, baka ‘yon ang maging focus, ‘di ang mukha.
“Lahat naman kasi siguro, babakat sa costume na ‘yan.
“Kahit sino namang lalaki,” sabi pa niya.
Paano niya itinago ito?
Sey ni Derrick, “Iniipit.
“So parang… Wala namang tape, inipit ko lang sa legs.
“Hindi naman…”
Bakit nga ba kailangang ipitin pa?
“Sayang naman kasi ‘yung mga fight scenes kung doon naka-focus ang mga tao.
“Malala niyan pag umaga, pagkagising ko lang.”
Akala ng lahat ay talagang ipinagmamalaki niya ‘yong ‘malaking muscle’ niya?
Mabilis na sagot ni Derrick, “Hindi naman siya porno.
“So, kaya, okey na ‘yon.”
Ano ang reaksiyon ng kanyang leading lady na si Bea Binene nang makita nito ang costume niya?
“Napangiti siya, eh. Sabi ko, alam ko na kung bakit ito ngumingiti. Hayun.”
Ikinatuwa ba niya ‘yon o mas lalo siyang na-conscious?
Aniya, “Siyempre, mas lalong hindi maganda kung ‘Ano ba ito si Derrick walang bukol, ang pangit, ‘di ba?
“Pero, kung sinabing, ‘Ay ang laki,’ mas nakakatuwa ‘yon, ‘di ba?
“Pero, hindi si Bea ha? ‘Yung iba.
“Ikatutuwa ko po ‘yung mga ganun.”
Anyway, mas gusto niyang i-focus ng mga tao ang pag-abang sa serye na ito na magsisimula na sa November every Sunday pagkatapos ng 24-Oras Weekend doon sa kuwento at ang mga kagitingang magagawa niya bilang si TsuperHero. ‘Yun na!