Alvin Patrimonio Noong Bakat sa Court

Ibang players na ang tinitilian sa court ngayon. Pero noong araw, sina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, Benjie Paras, at Paul Alvarez and mga pilyong good boys ng PBA. Maayos naman ang pagtanda ng mga magkasabayang players na ito.

Nagkaroon pa nga sila ng sariling pelikula sa Regal Films na “Last Two Minutes” noong gitnang '90s. Pinilahan ito kaya record-breaking at number one sa film festival. Sikat talaga sila noon.

Noong bata-bata pa sila medyo nagpapasilip sila kahit mga good boys pa. Kaya malakas tagala ang tili ng mga kolehiyala.

Kapag blue ang jersey nila, kita ang bakat ng briefs niya pero kapag nakaputi siya, kitang-kitang supporter lang ang suot niya at nanghahalina talaga ng mga college girls.

Natawa si Alvin sa punang ito. Hindi agad tumanggi pero hindi rin diretsahang umoo. Ganoon lang daw talaga yun noong sila ang bata.

Dagdag pa niya, pansin daw ba namin kapag puti ang jersey nila butas-butas pa ito para libre silip?